PEP News: Joem Bascon stars in two new TV shows for different networks
August 21, 2008Source: Philippine Entertainment Portal News (view article here)
Joem Bascon stars in two new TV shows for different networks
Wednesday, August 20, 2008
10:19 AM
Ang ganda na ng itinatakbo ng career ni Joem Bascon simula nang makitaan siya ng husay sa pag-arte sa pelikulang Batanes, kung saan siya nanalo ng Breakthrough Performance by an Actor sa Golden Screen Awards this year.
Nagsimula si Joem bilang isa sa mga bagong discovery sa show ng ABS-CBN na Let’s Go, na later on ay naging Gokada hanggang sa makansela na ito sa ere. Ngayon ay dalawa ang bagong TV shows ni Joem sa magkaibang channels: I Love Betty La Fea sa ABS-CBN at Hush Hush sa TV5.
Wala naman daw conflict sa taping schedules ng dalawang shows dahil weekends ang taping niya for Hush Hush at weekdays naman ang sa Betty La Fea. Natutuwa nga si Joem dahil magkaiba ang mga papel niya sa dalawang shows at nagagamit niya ang kanyang mga napag-aralan sa pag-arte nang tama.
Sa I Love Betty La Fea, gagamapanan niya ang role ng babaerong kaibigan ni Armando na si Macario. Sa Hush Hush naman ay gagampanan niya ang role ng isang probinsiyanong nangangarap na maging isang sikat na artista.
“Ngayon lang ako naging sobrang busy sa TV. Before kasi isa-isa lang ang TV show ko at pa-guest-guest lang. Pero ngayon, dala-dalawa na at magkakaiba pa ang tema ng mga shows.
“‘Tapos kapag nagsimula na ang reality-boxing show na Mano-Mano 2 ay baka sumali ulit ako. Nag-enjoy kasi ako sa pakikipag-compete sa boxing. Sana walang conflict kapag nagsimula na sila,” saad ni Joem.
Bukod sa mga nabanggit na shows, napapanood din si Joem sa dalawa pang ABS-CBN shows—ang afternoon soap na Ligaw Na Bulaklak at ang primetime series na My Girl.
Marami ring ginulat si Joem sa sobrang sexy na billboard niya for Folded & Hung sa EDSA. Siya raw mismo ang hindi makapaniwala na malakas ang naging impact ng billboard niyang ‘yon.
“Masyado nga raw mainit!” sabay tawa niya. “Noong una ngang itinayo ‘yon, marami ang nag-text sa akin. Ang lakas daw ng dating ng billboard. Pero ngayon, ibinaba na nila at pinalitan na. Ang nakakatawa, ang daming nagre-request na itayo nila ulit. Depende ‘yon sa Folded & Hung.”
Magtutuluy-tuloy ba siya sa pagpapa-sexy since nasimulan na niya ito sa ini-endorse niyang clothing wear?
“Depende naman sa project, e,” sagot ni Joem. “Kung magiging malaking tulong ito sa career ko, why not? Dapat ay may katuturan ang pagpapa-sexy ko at hindi yung basta ginawa ko lang. Kailangang buong pagtitiwala ko ay nasa ginagawa ko.”
Huling napanood si Joem sa indie film na Adela. Baka may simulan daw siyang bagong indie film na may titulong Kalayaan na ididirek ni Adolf Alix Jr.
Previous Comments
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.
Add a comment
JOEM on YOUR Phone
Message Box
About Me
K-Text:Text JOEM to 2366
to get regular updates from me.
Thank you!!!
Monthly Archives
Latest Posts
Latest Comments
- Wella: im so happy for you...
- joem fan: Here's a better link from...
- Jerome Zamora: WOW! Nasa webiste mo ang...
- TEKLA: So it will be shoot...
- splendor: You deserve to be more...
- janin: hii...poh..gwapo naman..hehehe..piolo bah???...
- ghenz: add me ghenz_0833@yahoo.com gwapo mo...
- mara: joem...bkt ng iba ka image...gusto...
- don: hi joem... what happened now to...
- milkshaker: hi joem..cheers!!!!!...
Most Popular
- News: Go Kada Go! (4241)
- News: Joem Bascon: The New Kid on the Block (3398)
- Watch out for Joem on Star Magic Presents (2795)
- Joem Bascon on Let’s Go (2509)
- Let’s Go theme song (2009)
Recent Photos
Featured Pic
Penshoppe TeenLab Photo Shoot







im so happy for you joem.. you deserve it .. you are a very good actor..and very down to earth too! hope to see you sa VCF sometime..if you are still attending.. Godbless.
Posted by Wella at August 23, 2008, 7:00 am